BY DANTE A. LAGANA
—-
KUNG ang ibang celebrities may pasabog sa pagpasok ng 2020 meron din si Alex Gonzaga.
Sa kanyang mismong 32nd birthday ipinaabot ni Alex sa kanyang mga tagahanga na engaged na sila ng kanyang boyfriend na si Mikee Morada.
Unang ipinost ng friend ni Alex na si Jean Victorio sa kanyang Instagram Stories ang buong kaganapan.
May post na rin si Alex ukol dito.
Anyway, makikita sa video na inaawitan ng “Happy Birthday” si Alex ng mga staff ng hotel na sinasabayan ng kanilang mga kamaganak at malalapit na kaibigan.
Si Alex ay nakaupo katabi ng kanyang kasintahan.
After nag-blow ng candle ng cake si Alex saka niya sinabing, “I’m engaged.”
Inulit ang mga kataga ng kanyang BF.
Siyempre pa, puno ng tuwa at saya ang apat na sulok ng dining room.
Saksi doon ang ina ni Alex na si Mommy Pinty na masayang masaya, si Toni Gonzaga at anak na si Seve, maging ang mga magulang ng husband-to-be ni Alex ay naroroon din. Sa video rin makikita na proud na ipinasilip ni Alex ang suot niyang engagement ring.