OBVIOUS namang si Sarah Geronimo ang tinukoy sa blind item na singer-actress na namomoroblema sa kanyang parents kaugnay sa nalalapit na kasal nila ni Matteo Guidicelli.
Ayon sa tsika, diumano’y walang balak ang parents ni Sarah dumalo sa kanyang kasal na magaganap either March or April this year sa ibang bansa.
Sa Italy kaya ‘yun kung saan tagaroon ang daddy ni Matteo?
Kahit hindi raw maaayos ang problema between Sarah and her parents, desidido pa rin daw itong ituloy ang kasal nila ni Matteo.
Baka naman magbago ang isip ng parents ni Sarah at dadalo rin sila sa kasal ng anak nila in the end?