BY RUEL MENDOZA
—-
KAHIT hindi na aktibo sa showbiz ang former actress na si Nadine Samonte, kabilang siya sa maagang nagpadala ng tulong sa mga naging biktima ng pagputok ng Taal Volcano.
Sa kanyang Facebook account, pinost ni Nadine ang mga pinamili niyang sari-saring pagkain, tubig at face masks.
Noong mabalitaan ni Nadine at ng kanyang mister na si Richard Chua ang nangyari sa Batangas, agad silang namili ng relief goods na pinadala nila sa kaibigang aktres na si Jennica Garcia na siyang namahala naman sa distribution ng mga ito.
Gustuhin man ni Nadine na personal na mamahagi ng relief goods pero kailangan niyang unahin na asikasuhin ang kanyang dalawang anak.
Sey niya sa Facebook:
“Sana madami-daming pamilya ang matulungan namin. Gustuhin man namin na pumunta don kaya lang mahirap, walang magbabantay ng mga anak namin.”
Pinasalamatan niya si jennica.
“Ikaw na bahala @jennicauytingco. Mabuti ang puso mo. Salamat at andon ka. Patuloy pa din ako nagdadasal na sana maging maayos na po ang lahat.”
Noong aktibo pa si Nadine sa showbiz, lagi itong handa na tumulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga bata at maysakit.