BY RUEL MENDOZA
—-
NALAGPASAN na ng Kapuso actress Max Collins ang maselang first trimester ng kanyang pagbubuntis.
Marami nga ang nakapansin na sobrang nangayayat si Max dahil sa paglilihi nito.
How true na pati ang mister niyang si Pancho Magno ay naglilihi rin?
Pinaglilihian daw ni Max ay mga Italian food na pati si Pancho ay nakikikain na rin.
Ayo n kay Max, magkaiba raw sila ni Pancho ng gusto when it comes to the gender of their baby.
“He wants a girl, I want a boy. Pero kahit ano naman siyempre basta healthy but sana boy, sana boy,” tawa pa ni Max.
Pahinga raw muna si Max sa paggawa ng teleserye.
Pero mapapanood siya sa “Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday” bilang young Snooky Serna.
Si Pancho naman ay patuloy sa pagtrabaho at kasama siya sa teleserye na “First Yaya” nina Gabby Concepcion at Marian Rivera.