BY DELIA CUARESMA
—-
MOVE over, Osang.
May bago nang Ligaya ang bayan. Ito ay walang iba kung hindi ang maganda at seksing-seksing si Ivana Alawi.
Isinapubliko na ng ABS-CBN ang teaser ng serye, at isa nga ito sa mga ipapalabas nila this year.
Wala pang gaanong detalye ukol sa palabas pero base sa titulo, maraming mga barako ang maliligayahan dito.
May tsismis na “inagaw” diumano ni Ivana ang title role kay Maja Salavador na agad naman pinabulaanan ng dalaga.
Aniya sa social media, “Ang pagkakaalam ko hindi po ‘yun ‘yung dapat na gagawin ko. Iba ang title niya eh. ‘Yung #Ligaya code name lang noon.”
Whatever.
Mas bagay talaga kay Ivana ang tawaging Ligaya na dating bansag kay Rosanna Roces dahil sa pelikulang “Ligaya ang Itawag Mo sa Akin.”
Kung si Osang ay ibinigay lahat para sa pelikula, ano naman kaya ang pasabog sa show ni Ivana?
Tahimik lang ang dalaga rito na una nang pinag-init ang mga kalalakihan sa role niya sa “Sino Ang May Sala? Mea Culpa.”
Samantala, patuloy ang pagbuyangyang niya ng kanyang alindog sa social media.