KUNG nitong mga nakaraang taon ay puro pang-“wholesome” ang ine-endorse na products ni Alden Richards, ngayon ay nag-eendorso na rin siya ng alak.
A few days ago, pumirma si Alden ng kontrata as brand ambassador ng Embassy Whisky, isang produkto ng Tanduay Distillers, Inc.
Ayon sa kumpanya, sa dami ng mga sikat na aktor ngayon, napili nila ang Kapuso hottie “because of his positive and chill personality,” kaya anila, swak si Alden sa hinahanap nila sa isang artista to be their endorser.
Bilib ang product owners sa kakayahan ni Alden na maipakilala nang husto sa publiko ang kanilang whisky.
“He’s a perfect go-to drinking buddy,” say nila.
Unang pagkakataon nga ito ni Alden to endorse a liquor brand sa pagpasok ng 2020.
“I’m 28 years old na ngayon, hindi na naman po ako teen-ager. Ten years na ko sa showbiz ngayong July.
“So, sa edad ko, okey lang sa ‘kin ito dahil naniniwala ako sa brand and since we’re promoting drinking in a moderate manner,” sabi ni Alden.
Mahilig rin daw siyang mag-organize ng small and intimate parties.
“Mga friends ko ang kasama ko, mostly ay non-showbiz. Whisky talaga ang gusto kong iniinom ‘pag ganitong okasyon. Chill lang ang dating,” saad ng blockbuster actor.
“As a whisky drinker, I know how it should taste like. Magugustuhan siya ng mga tao.”
Inamin naman ni Alden na never pa siyang nalasing nang husto, at basta may “tama” na siya dala ng alak eh, hindi na niya sinosobrahan ang inom.
Alden’s “The Gift” on GMA will be finished soon, pero may kapalit naman siyang “Centerstage Kids,” isang singing contest ng mga bata na kanyang iho-host.
Bukod pa rito ang regular TV shows niyang “All Out Sundays” at “Eat Bulaga” sa GMA.
Excited na rin ang kanyang fans sa gagawin niyang preparasyon para sa 10th Anniversary concert niya sa showbiz ngayong July.
“Ang bilis ng panahon, 10 years na pala ako sa showbiz, parang kuya na nga ako ng mas batang hosts sa Sunday show namin.
“Para kong nakikita ang sarili ko sa kanila noon when I was starting,” lahad ni Alden.