By DANTE LAGANA
—-
MARAMI ang nakapuna sa pagpalya ng tinaguriang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa pagbirit sa “ASAP Natin ‘To” kamakailan.
Pumiyok si Regine sa pag-awit ng “Oceans” ng Hillsong UNITED sa segment na “The Greatest Showdown” kung saan kasama pa naman niya ang ilan pang mga magagaling na singers ng show.
Ang siste, pinilit niyang tamaan ang isang mataas na nota pero hindi niya ito kinaya.
Naging issue na noon ang pagpalya ng boses ni Regine. Ang rason niya dati ay may problema siya sa lalamunan.
Hmmm…
Baka naman hindi lang siya masyadong kondisyon ng araw na iyon?
Understandable naman lalo’t ang panahon natin ngayon tila lalamig tapos iinit.
Malamang apektado rin ang boses ni Regine ng tinatawag na climate change.
Yun na!