BY RUEL J. MENDOZA
—-
PINABULAANAN ng Kapuso teen actor na si Paul Salas ang tsismis na magjowa sila ng former “Eat Bulaga” Dabarkads na si Taki Saito.
Ayon kay Paul, magkaibigan lang daw sila ni Taki.
Kuwento pa niya, “Sa Japan kasi naka-base si Taki kasi member siya ng J-Pop group doon na Faky. Kapag nandito siya para magbakasyon, doon lang kami nagkikita. Minsan naman, ako ang dadalaw sa kanya sa Japan.”
Pero ayaw maniwala ng co-stars ni Paul sa GMA teleserye na “Descendants of the Sun” na sina Prince Clemente at Jon Lucas.
Biro ni Jon kay Paul, “Bakit gano’n? Friends lang pero holding hands kayo. Inaakbayan mo siya. Gano’n na ba ang friends lang?”
Tatawa-tawa lang si Paul at pinipilit na friends lang sila ni Taki talaga.
Hirit naman ni Prince: “Ano ba tawag doon? M.U. ba ‘yon? Mutual Understanding? Uso pa ba ‘yon?”
Dagdag pa ni Paul na mahirap daw na magkaroon sila ni Taki ng seryosong relasyon dahil nasa ibang bansa si Taki.
“Wala naman pong problema kung long distance relationship. Pero mas okey na ‘yung wala kaming seryosong commitment sa isa’t isa. Busy kasi siya sa Japan at busy ako rito sa Pilipinas.
“Siguro po kapag nagtagal, kapag adjusted na kaming dalawa, puwede na kaming pumasok sa isang serious relationship. Sa ngayon, dating lang po talaga.”