BY DANTE LAGANA
—-
BELONG na ang Kapuso actress na si Kris Bernal among celebrities na engaged to be married.
Nag-propose na sa seksing aktres ang jowa nitong si Perry Choi last Feb. 6.
Nangyari ang proposal sa mismong birthday party ni Perry na si Kris ang nag-organize sa isang restaurant sa Makati. Si Perry ay isang chef at businessman.
Nagsilbing witness sa proposal ang may-ari ng Nice Print Photography na si Charisse Santillan Tinio.
Ipinost pa nga nito sa social media ang ilang litrato na kuha sa event.
Sey niya sa caption ng isang photo kung saan makikitang suot ni kris ang kanyang engagement ring, “Congratulations my sissy @krisbernal and Perry. Happy for you!”
Sa isa pang photo aniya, “So this just happened. Congratulations @krisbernal and Perry. #engaged.”
Kita sa picture na hawak ng ilang saksi ang gold-letter balloons at heart balloons na sa kabuuan ay nagsasabi ng mga katagang: “WILL U MARRY ME?”