ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
Nakakatuwa dahil may bago kaming aso. Tuwang tuwa ang anak ko kasi ang ang cute ng bago naming aso. Kaya lang nakakainis kasi nasa loob ng bahay at sa loob ng bahay tumatae at umiihi. Nakakainis maglinis at bumabaho na ang loob ng bahay. Sinubukan ko naman i-train para sa labas tumae at umiihi pero ang tigas ng ulo. Maghihintay ako ng isang oras kasama yung aso sa labas pero hindi naman iihi at tatae. Pagpasok namin sa bahay, kakalapag ko pa lang sa sahig, tatae at iihi agad! Lahat na ginawa ko pero hindi talaga natututo! Ano ba ang gagawin ko?
Cindy ng Makati
Hi Cindy,
Ganito ang gawin mo. Bigyan mo siya ng toy. Hayaan mo na lagi niyang laruin ang toy hanggang sa maging katabi niya sa pagtulog. Kapag alam mong mahal na mahal na ng aso mo ang toy niya, kausapin mo siya ng masinsinan. Sabihin mo sa aso mo na kapag umihi at tumae ulit siya sa loob ng bahay, hindi na niya makikita ang paborito niyang laruan! Sigurado, susunod yan!
* * *
Hi Alex,
Malapit na mag-summer at uso na naman ang mga beach at swimming pool. Marunong akong lumangoy pero ang hindi ko matutunan eh ang floating. Naiingit ako sa mga kaibigan ko na magaling mag-floating kasi nakakatulog sila habang lumulutang na nakahiga. Ang cool tignan. Pero hirap talaga ako dahil nahihirapan akong humiga sa tubig, lumulubog ako! Lahat na ginawa ko para matuto pero hindi ko talaga siya matutunan. Tito Alex, baka may alam kang mabilis na paraan para matutong mag-float?
Simon ng Alabang
Hi Simon,
Madali lang yang problema mo. Ganito ang gawin mo. Lumangoy ka tapos sisid ka. Sisid ka ng mga limang oras sa ilalim ng tubig. Sigurado, lulutang ka at hindi ka na lulubog! Ang problema, hindi mo na malalaman pero sa lamay mo na lang pag-uusapan yung pag-floating mo! Joke lang yun ha! Wag mong problemahin yan! Maligo ka lang at lumangoy, wag mo ng isipin ang mag-float! Mag-enjoy ka lang sa swimming!
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007