ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
Iisa lang po ang banyo namin dito sa boarding house at lagi kaming nag-aagawan! Kapag nagmamadali ka na para maligo, lagi na lang may nauuna sa akin. Kapag ikaw naman ang nauna, may kumakatok naman para madaliin ako. Mahirap kapag naiihi na ako or natatae, laging may tao sa banyo. Kapag may nauna naman sa’yo, pagpasok mo, naiiwan ang amoy. May iba nakakalimutan pag mag-flush! Yung mga kasama ko naman, ginagamit ang sabon ko at shampoo! Hindi naman ako makalipat? Ano bang gagawin ko Tito Alex?
Pablo ng Recto
Hi Pablo,
Kung student ka, kailangan mo talaga mapagdaanan yan para matuto ka sa buhay! Ngayon, kung hindi ka student, hayop ka, anong ginagawa mo sa boarding house! Lumipat ka ang maghanap ng sarili mong bahay o kwarto!
* * *
Hi Alex,
Usong-uso ang TIKTOK ngayon! Lahat ng kakilala ko may TIKTOK account! Lahat nagsasayawan, mapa-bata o mapa-matanda, babae o lalake, tomboy o bakla! Celebrity or karaniwang tao, lahat nagti-TIKTOK! Nakakainis na. Kapag may lumapit sa akin, gusto ako isama sa TIKTOK. Lahat ng tropa ka, kapag nag-iinuman kami, bigla na lang magyayaya ng TIKTOK. Paano ko ba iiwasan ang mga kaibigan kong mahilig mag TIKTOK?
Mabel ng Makati
Hi Mabel,
Bakit mo iiwasan ang mga kaibigan mong may TIKTOK account eh yun ang libangan nila! Relax ka nga lang! Wag kang masyadong ma-stress. Mabuti pa, para mawala stress mo, follow mo ako sa TIKTOK account ko na alexcalleja1007! Tara, duet tayo at magsayaw!
* * *
Hi Alex,
Nag-aalala na ako Tito Alex. Kapag natutulog ako, bigla akong magigising para umihi! Kapag natulog ako sa gabi, wala pang isang oras, magigising ako para umihi. Kapag nakatulog ako sa hapon, nagigising ako para umihi! Kahit sa pampasaherong sasakyan, kapag nakatulog ako, nagigising ako na ihing-ihi, kaya pumapara ako! Ano kaya ang dapat kong gawin?
Diona ng Calamba
Hi Diona,
Ang napansin ko, kapag natutulog ka, dun ka bigla naiihi. At kahit saan kang lugar, kapag nakatulog ka, nagigising ka na ihing-ihi! Mabuti pa, wag ka na lang matulog para hindi ka maihi! Kung ayaw mo naman, kahit tulog ka, umihi ka at problemahin mo na lang kapag nagising ka! Hayop ka, pati tuloy ako naiihi ngayon!
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.