BY DANTE A. LAGANA
***
KALOKA itong si Angelica Panganiban.
Naghanap ba naman ng kausap sa social media noong siya’y may lagnat!?
Nag-ala Tiya Dely pa ito, huh!
Yes, nagbigay si Angelica ng mga payo sa mga netizens.
Nagsimula ito sa isang tweet niya.
“Nilalagnat ako. D ako makatulog. Gising pa kayo? May tanong ba kayo?”
Siyempre pa, may mga netizens na pumatol sa hamon niya.
Ani ng isa, “How’s your love life? Di ka ba minsan napapa-isip na ‘yung ibang kasabay mo sa showbiz may kids or family na, tapos ikaw wala pa?”
Walang pagaalinlangang sinagot ito ni Angelica ng, “Always. Gusto ko ng family. Kids. Pero hindi sa lahat binibigay ‘yun. Okay naman ako.”
Alam naman ng karamihan na ilan na ring relasyon ni Angelica ang naunsyami o nauwi sa wala.
Ilang taon din silang naging magkasintahan ni Derek Ramsay pero naghiwalay sila.
Ganoon din kina Carlo Aquino at John Lloyd Cruz na taon pareho ang inabot pero waley pa din.
May sumunod pang tanong.
“Bakit may mga taong after mong buuin ‘yung sarili mo babalikan ka para sirain ka ulit?”
Nakakaaliw na sagot ni Angelica, “Trial ‘yun ni God kung tanga ka pa din.”
Aba! May sense, huh!
Isa pang tanong, “Nagmahal lang naman tayo ng tapat, bakit kailangan nilang humanap ng pandaliang sarap? Ganun ba talaga? Buong puso ka nag tiwala. Sasayangin lang nila sa maling tao. Y?”
Tugon ni Angelica, “Yung Y mo, di masasagot ‘yun. But always remember, loving is the best feeling.”
Oo, nga naman.