SAKALING maisipan na nina Arjo Atayde at Maine Mendoza magpakasal, aprub ‘yun kay Sylvia Sanchez. Aniya sa interbyu ng “Showbuzz” sa DZMM radio, hindi siya nakikialam sa relasyon ng dalawa. Suportado niya kung anuman ang desisyon nina Arjo at Maine.
Bilang isang ina, ang kaligayahan ng anak ang hangad niya, ani Sylvia. Hindi siya tututol kung gusto nang mag-asawa ni Arjo. Tanggap ni Sylvia si Maine bilang girlfriend ni Arjo at future daughter-in-law.
Sa isang interbyu kay Arjo ay sinabi niyang napag-uusapan na nila ni Maine ang pagpapakasal. She just turned 25 years old last Mar. 3. Simpleng birthday greetings lang ang post ni Arjo for Maine: “Happy Birthday Babs!”
Babs pala ang term of endearment niya kay Maine.
TEST DRIVE
Hindi niya sinabing kanya ang red Ferrari sports car. Ayon kay Alden Richards pina-test drive lang daw sa kanya ng owner nito. Naipost ng aktor sa socmed ang naturang sports car na inakala ng netizens na kanya.
Ayon sa ibang nakakaalam, kay Alden ang sports car. Pa-humble lang daw ang aktor. Hindi kaya, matapos niyang i-test drive ay nagustuhan niya ang sports car, kaya binili na niya?
Bukod sa sports car, may expensive motorcycle pa si Alden.
Bongga!