SA wakas ay bidang-bida na ang Kapuso young actor na si Migo Adecer.
Ito ay para sa 6-part mini-series na “Project: Destination” ng GMA News TV na magsisimula na ngayong Mar. 14, 5:45 pm.
Isa itong project ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), sa pamumuno ng chairman nitong si Arsenio “Nick” Lizaso, executive director na si Al Ryan Alejandre, and executive director Marichu Tellano.
Kasama ni Migo sa said TV project sina Kate Valdez, Yul Servo, Angeli Bayani, Royce Cabrera, and more.
The series aims to explore and investigate Pinoy cultural values mula sa point of view ni Andre, character ni Migo, na isang Fil-Am na nahiwalay sa tunay na mga magulang.
Sa totoong buhay, isang Filipino-Australian guy si Migo.
“Kaya nga po naka-relate ako sa role ko. Kahit na lumaki ako sa Australia, pabalik-balik ako sa Philippines.
“I’m so happy and excited dahil first time ko po na lead role ito in a mini-series. Grabe ang hirap namin dahil sa iba’t ibang locations ang aming taping at ang hahaba rin po ng dialogues ko in Filipino and I’m so challenged,” sabi ni Migo.
Say naman ni Kate, bilang millennial daw ay ine-encourage niya ang mga kabataang tulad niya na ‘wag mawala ang Pinoy values na mag-“po” at “opo” sa mga nakakatanda, sa panahon ng bagong technology.
Napanood namin ang first episode ng “Project: Destination” sa NCCA Theater at mahal ng camera ang mukha ni Migo. May konting pagka-“slang” ba ang pagbitiw niya ng lines, na swak naman sa balikbayang role.
“I’m doing the best I could naman po and I’m taking Tagalog lessons well,” dagdag ni Migo.
Ang director ng serye ay si Zig Dulay, executive producer si Lotlot Bustamante, creative consultant si Lutgardo Labad, at executive-in-charge in production under NCCA naman si Rene Napenas.
Also in the supporting cast are Acey Aguilar, Ross Pesigan, Tim Mabalot, and child actors Seth Dela Cruz and Yñigo Delen.