Hi Ms. Rica,
Ask ko lang po kasi first time lang po ito nangyari sa akin. Paano po kapag uminom po ako agad ng pills kasi may accident na nangyari. OK lang po ba ‘yun? Tinake ko po ‘yung buong 28 days.
Panic Pilling
Hello Panic Pilling,
Naku! Kumusta ka na? Sana ay okay lang ang iyong pakiramdam. Hindi dapat nag-self medicate sa pag-inom ng birth control pills. Delikado ito sa iyong kalusugan. Ang paggamit ng pills ay dapat na kinukunsulta sa iyong doctor dahil may mga side effects ito na pwedeng makapagpasama ng pakiramdam, lalo na kung may mga underlying medical condition tulad ng high blood pressure at diabetes, ang iinom nito.
Anu-ano ba ang pwedeng mangyari sa iyo kapag uminom ka ng birth control pills in higher doses?
– Cramps o pagsakit ng puson;
– Nausea o pagkahilo at pagduduwal;
– Vomiting o pagsusuka;
– Headaches o pagkasakit ng ulo;
– Altered menstrual cycle o pagkaiba ng cycle ng iyong period;
– Ectopic pregnancy o pagkabuntis sa labas ng matres.
May mga emergency contraceptive pills na tinatawag na iniinom less than five days pagkatapos ng unprotected sex para mabawasan ang posibilidad ng pagbubuntis. Ngunit, hindi ito nabibili dito sa Pilipinas, dahil ito ay considered na pampalaglag. Illegal at pinagbabawal ang mga pampalaglag dito sa atin.
Mayroon din namang isang method ng emergency contraception na itinatawag na Yuzpe method (pwede mo itong i-Google). Pero, kailangan ay siguraduhin muna na tamang pills ang iyong gagamitin para dito. Kaya, kailangan talaga ay magpakonsulta sa doctor bago uminom nito.
Sa susunod, baka mas maiging gamitin mo ang pills nang tama para mabawasan ang mga hindi kaaya-ayang side effects nito. Pwede ka rin namang gumamit ng iba pang birth control method na isa-suggest sa iyo ng iyong doctor. Good luck!
With love and lust,
Rica
* * *
Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Sex and Relationships Therapist, Sex Educator. She opines that sexual empowerment for Filipinos is sexier than sex.
Follow her at facebook.com/TheSexyMind and facebook.com/ConservativeAko and @_ricacruz in Twitter and IG and subscribe to her podcast, bit.ly/conservativeako on Spotify. Join the Conservative Ako Community on Facebook for more advise on sex and love!