BY DELIA CUARESMA
***
NAAWA man pero napilitan din ang aktres na si Mylene Dizon na patayin ang pesteng pumapak ng petchay niya.
Take note, hindi ito nangyari sa pelikula o teleserye.
At literal na petchay ang pinaguusapan dito, huh!
Ang siste, nahihilig sa ngayon itong si Mylene sa pagtatanim ng kung anu-anong gulay.
Sa kasamaang palad nga lang, inatake ito ng mga higad.
“Actually, may slight awa, cute sila, yung maliliit na green caterpillar na kinakain ang pechay ko,” ang sabi pa ni Mylene sa mga insekto na tinitiris niya diumano dahil sa sutil na gawain.
Isa pang kinabuwisit ni Mylene ay ang pag-alburuto ng Taal Volcano kamakailan dahil natabunan ng ashfall ang kanyang mga pananim.
Sa kalapit na Silang, Cavite kasi located ang maliit na farm ni Mylene.
“Nung binubungkal ko yung mga carrots na ganyan kaliliit, ang feeling ko, nag-a-abort ako ng baby. Kawawa naman siya… kailangan ko nang kunin. Sad because parang dalawang beses, tatlong beses ka lang makakapag-ani.”
Bagama’t puno ng pagsubok, hinihikayat ni Mylene ang ating mga kababayan na magtanim din for “food security.”
“Sana, kung maaari, kung meron tayong maski maliit na lupa lang na puwede nating pagtaniman ng gulay, dapat nagtatanim tayo ng ating sariling gulay dahil iyan ay food security. Kahit anong mangyari, meron kang madudukot na pagkain.”
Dagdag pa niya, “If I can do that, why not? Inaaral ko siyang mabuti because I’m hoping that I can inspire others, more than anything…that anybody can grow anything.”
Ayos!