HOW true kaya ang tsikang diumano’y isang rich businessman ang suitor ngayon ni Julia Barretto?
Ito nga raw ang tinukoy ni Julia na “loved one” na supposedly kasama niya noong mag-celebrate siya ng kanyang 23rd birthday noong March 10.
Isang intimate dinner ‘yun for 10 with her family and ‘yung “loved one” nga, ayon sa post ni Julia mismo.
May mga ispekulasyon pa na walang iba kung hindi si Gerald Anderson ang “loved one.”
Aaminin na nga raw ni Julia ang relasyon nila ni Gerald in the coming days.
Obviously, hanggang ngayon, nananatiling palaisipan kung may espesyal na relasyon ang dalawa.
So, ano nga ba talaga Gerald, Julia?
MAGBABALIK
KAUNTING bawas na lang daw ng timbang at magbabalik-showbiz na si Claudine Barretto.
May nakahanda na raw TV project ang ABS-CBN for her, ayon sa press release ng kanyang kampo.
Sana nga’y totohanan na ang pagbabalik-showbiz ni Claudine. Ilang beses nang umasa ang kanyang fans, pero parating nauudlot ang comeback ni Claudine.
‘Yung reunion movie nila ng ex-boyfriend niyang si Mark Anthony Fernandez ay na-shelve. Pati ‘yung movie nila ni Piolo Pascual na supposedly ay sa abroad pa ang location shooting ay hindi rin natuloy.
PINAG-USAPAN?
SINO kaya kina Solenn Heussaff at Anne Curtis ang mauunang ipakita ang buong mukha ng kanilang daughters na sina Thylane at Dahlia Amelie, respectively?
Sinasabik nila ang madlang pipol sa itsura ng kanilang mga baby dahil parte-parte lang ng katawan ng mga ito ang ipino-post nila sa socmed.
Pinag-usapan kaya ‘yun ng mag-hipag?
Ipinasilip na ni Solenn ang eyes ni Thylane at parehas tsinita ang mag-ina. Bilog na bilog naman ang ulo ni Dahlia at matataba ang mga kamay. Mukhang malaking baby.
Nagbi-breastfeed si Anne, ewan lang si Solenn. Panay masasabaw na pagkain ang kinakain ni Anne, particularly sopas.