BATI na ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion.
Patunay neto ang pagpapalitan nila ng mensahe sa socmed kamakailan.
Iprinomote pa ng Megastar ang You Tube channel ni KC. Sana raw ay suportahan ito ng mga fans. Todo pasalamat naman si KC.
Bahagi ng post ni Sharon: “Still my baby no matter what. Unconditionally. I love you no matter what. That will never change.”
Sana tuluy-tuloy na ang communication ng mag-ina. Kung anuman ang naging tampuhan nila, sana nga’y naayos na.
Nagkita na kaya sila sa gitna ng ongoing quarantine? Sabik na daw kasi si KC na may makausap. Higit pa doon na-realize daw niya na gusto na niya ng partner dahil mahirap daw mag-isa.
Aniya sa post niya, “Dear God, I promise after this pandemic I will finally seriously consider marriage.”
SANA ALL
Ang ganda ng ginawa ni Pokwang recently.
Namigay ito ng sariling gawang tuna sandwiches sa mga pulis at sundalo na naka-assign sa mga checkpoint areas at namamahala sa ongoing enhanced community quarantine para labanan ang COVID-19.
Sa Antipolo City pa nakatira si Pokwang niyan, huh!
Next daw na ipagpapa-sandwich ni Pokwang ay ang mga doktor at nars.
Naks!
At least, in her own little way ay tumutulong si Pokwang, hindi tulad ng ibang netizens na walang inaatupag kundi mang-bash.
NAGLUNSAD
Maganda rin ang ginawa ni Bela Padilla. Naglunsad naman ito ng donation drive para sa mga ordinaryong naghahanap-buhay tulad ng mga magtataho, sampaguita vendors, magbabalut, nagtitinda ng basahan at chips sa mga kalye ng Metro Manila.
Mahigpit na kautusan na dapat ay manatili sa bahay ang mga tao kaugnay ng isinasagawang enhanced community quarantine. Paano nga naman makakapaghanap-buhay ang mga ‘yun?
Ayon kay Bela, ang makakalap na donasyon ay ibabahagi niya sa mga apektadong lugar sa Metro Manila. Kontakin lang daw siya sa kanyang twitter account.
So far, naka P3.3M na siya. Bongga!
NANANAWAGAN
May post naman sa IG si Angel Locsin na tulungan ang health workers na nag-aasikaso sa mga biktima ng COVID-19.
Nananawagan din siya para sa financial support para sa mga maliliit na manggagawa na apektado ng enhanced community quarantine.