BY DANTE LAGANA
***
MAY ilang netizens na nabanas sa pagmamayabang ni Aiko Melendez na COVID-19 free ang Zambales, balwarte ng jowa niyang si Jay Khonghun, vice governor doon.
Ani nga ng isa, “Wala naman po kasi talagang mapasyalan sa Zambales bukod sa mga beach kaya sanay sila sa home quarantine.”
Sinagot ni Aiko ito ng, “Madami din naman mapupuntahan bukod sa beaches po. Madami historical places to go to, but that’s not the point here. Discipline is the topic po.”
Hindi rin pinalagpas ni Aiko ang hirit ng isa pang netizen na, “You are lifting your own chair Ms. Aiko, let the people do the talking, sa Pasig at Manila mayors, ang mga tao ang pumupuri hindi partner o GF o asawa o kamag-anak! Magtiktok ka na nga lang!”
Galit na sagot ng aktres, “Wag nyo ako tinuturuan ano ipopost ko because this is my effin page! I own this page I can say whatever I want to say.”
Dagdag pa niya, “Ikaw me nagawa ka ba na para sa bayan? Bukod sa pangingialam sa post ko?”
Aray!