BY DANTE LAGANA
***
NAGMISTULANG punong tagapayo ang comedian na si Vice Ganda sa sunod-sunod niyang tweet kaugnay sa covid-19 pandemic.
Unang sabi niya, “Wag tayong mag away away. Lalong lalo na sa panahong ito. Di makakatulong. Wag tayong magsalita na parang tayo lang ang tama, ang matalino at magaling. Wag tayong umasta na parang tayo lang ang may pagmamahal at malasakit sa kapwa, sa bayan at sa mundo .”
Pangalawa, “Sa oras na to naniniwala ako na lahat tayo ay pareho lang ang intensyon. Yun ay ang makaraos at makatulong sa sitwasyon kahit papaano. SADYANG MAGKAKAIBA LANG TAYO NG MGA PARAAN AT ATAKE. Lahat tayo ay nagdadasal na matapos na ang krisis na ito.”
Aniya pa, “Hindi lang sa mga ‘walang makakain’ tayo dapat may compassion. Dapat sa lahat. OO SA LAHAT. Pati sa mga pinaparatangan nating walang compassion. Pahabain natin ang pang unawa sa isat isa. The more na nagagalit tyo mas humihina ang ating immune system. CALMNESS IS STRENGTH.”
Ang huli, “CEASEFIRE muna tayo sa patalinuhan at pabobohan. Kahit mawala ang virus kung magpapatayan naman tayo e wala ring makakasurvive. Hingang malalim. Gawing donasyon ang PANG UNAWA. GOD BLESS EVERYBODY. This too shall pass.”
Ayos!