OBVIOUS na nasaktan si Quezon City Vice Mayor Gian Sotto – anak nina Senate President Tito Sotto at Helen Gamboa – sa mga batikos na ipinupukol kay Mayor Joy Belmonte sa social media.
Ito nga at nagsalita na ito via Facebook para depensahan ang mayora.
Aniya, “Maraming mga kaibigan, hindi ko alam kung mga kaibigan nga, na nagsisipag-comment na nagsasabi ng mga kung ano-anong mga bagay against our Mayor Joy Belmonte. But the truth is, they have no idea kung gaano po kahirap ang trabahong ginagawa ni Mayor Joy.”
Dagdag pa ni Gian, “Sobrang hirap na nga ng sitwasyon, hinahanap pa natin kung ano ang mali sa lahat ng bagay! Para sa akin, hindi naman kailangang hanapin ang mali.”
Ani Gian, taliwas sa sinasabi ng iba, abalang-abala si Mayor Joy sa mga gawaing bayan at hindi nagtatago sa banta ng COVID-19.
“Nakikita ko ang mga ginagawa ni Mayor Joy araw-araw. Kasama ko siya. Nakikita ko ang pagod, ‘yung dedication, at pagmamahal niya sa gitna ng feeling niya, eh magkakasakit siya, tuluy-tuloy lang siya sa trabaho.”
Hawak ang isang listahan, binanggit ni Gian isa-isa ang lahat ng mga ginagawa ng QC government.
Aniya, “Ang lahat ng ito, Mayor is on top of it. Siya ‘yung nag-lead at nakipag-meeting sa lahat ng mga government agencies para ipatupad ang mga programang ito.”