NAKAKATUWA ang hakbang na ginawa ni Maine Mendoza kamakailan.
Pinairal niya ang pagiging matulungin sa pamamagitan ng pag-launch ng donation drive para sa mga manggagawang apektado ang suweldo dahil sa nakakapikon na enhanced community lockdown na umiiral sa buong Luzon ngayon sanhi ng mapamuksang COVID-19.
Hinikayat ni Maine ang mga social media followers na suportahan ang adhikain niyang ito.
Aniya, “Given the difficult situation we’re all facing, I thought of starting the donation drive today. This is to help the employees who are not allowed to work because of the community lockdown.”
Sa isa pang tweet, ibinahagi naman ni Maine kung sino-sino ang puwedeng maging beneficiary ng fund-raising.
Aniya para sa lahat ng apektado ng quarantine ito, maging tricycle drivers at construction workers.
“For PUV drivers, kahit drivers license and operator’s permit/TODA ID (‘yung nakasabit sa harap) then for construction workers selfie lang with helmet char kahit na anong pwedeng proof na CW talaga. Basta magsend din ng ID.”
Bumuhos ang emails, notifications at bank transfers sa panawagan ni Meng.
Para sa mga gusto pang tumulong, bisitahin ang website na thedonationdrive.wordpress. com for details.
Of course, nais naming banggitin na bago si Maine, nauna na si Bela Padilla sa parehong charity drive benefiting marginalized workers and successful siya, huh!
Sana maging successful din ang effort ni Maine, katulad ng single niyang “Parang Kailan Lang” na nag debut at number one sa iTunes PH.
Stay safe and pray TEMPO readers!