HELLO!
Bago ako bumalik sa pagsasagot ng mga sexy questions ninyo, bibigyan ko lang muna kayo ng ilang paalala mula sa Psychological Association of the Philippines para pangalagaan ang inyong mental health sa mga oras na ito.
- Pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nasa iyong kontrol. Sundan ang mga rekomendasyon ng Department of Health at iba pang lokal na ahensya.
- Magpanatili ng regular na iskedyul sa bahay o trabaho. Maaari itong magdulot ng kaayusan at kabuluhan sa iyong araw.
- Gumawa ng mga bagay na makakpagpasaya o makakapagdulot sa iyo ng ginhawa.
- Magpakita ng malasakit sa ibang nangangailangan ng tulong at suporta ngayong panahon ng krisis.
- Mag-ingat sa fake news. Iwasan ang pakikipagtalo sa social media. Magtakda ng oras at limitasyon sa iyong pagbabasa o panonood ukol sa COVID-19.
- Panatilihing malusog at malaks ang resistensya ng iyong katawan. Kumain ng tama. Uminom ng tubig. Matulog ng hindi bababa sa anim na oras. Mag-ehersisyo.
- Manatiling konektado sa mga importanteng tao sa iyong buhay gamit ang cellphone, vidoes, o online apps. Kumustahin at bahagian sila ng emosyonal na suporta.
- Humingi ng karagdagang tulong o suporta kung patuloy ang pag-aalala ukol sa COVID-19. Komunsulta sa mental health provider para sa inyong online counseling.
Ang mga dalubhasa ay kasalukuyang naghahanap ng lunas at bakuna para sa sakit na ito. May tulong rin mula sa gobyerno at mga ahensyang NGO at pribadong sektor. Magkakasama tayo sa pagpapatibay ng bawat isa!
Sana ay makatulong ito sa inyong mental health. Stay safe, always!
With love and lust,
Rica
* * *
Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Sex and Relationships Therapist, Sex Educator. She opines that sexual empowerment for Filipinos is sexier than sex.
Follow her at facebook.com/TheSexyMind and facebook.com/ConservativeAko and @_ricacruz in Twitter and IG and subscribe to her podcast, bit.ly/conservativeako on Spotify. Join the Conservative Ako Community on Facebook for more advise on sex and love!