BY RUEL MENDOZA
***
NAGSALITA na si Chuckie Dreyfus, hinggil sa paratang ni Sunshine Cruz na pawang kasinungalingan ang claim niya sa segment ng “Eat Bulaga!” na “Bawal Judgmental” na naging sila noong panahon na pareho silang nasa “That’s Entertainment.”
Ani Chuckie nagsabi lang naman daw siya ng totoo. Nagulat nga daw siya sa reaksyon ni Sunshine dahil para sa kanya wala naman daw iyon at “past is past.”
“It’s not really a big deal anymore. Nakaraan na naman ‘yun. Ang akin, I just said what was real, what was true.”
Dagdag pa niya, “Sa totoo lang, I can’t really remember how long the relationship was because it’s been more than 20 years already. Yun lang naman ang akin. Why is it such a big issue?”
Wala raw intensyon si Chuckie na i-embarass si Sunshine sa revelation niya pero saksi nga daw ang mga kasama nila sa programa sa naging relasyon nila.