ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
Malaki ang problema ko. Babaero ako pero hindi alam ng misis ko. Matagal na akong nambababae pero hindi ako nahuhuli at talagang walang buking. Sabi nga ng mga barkada ko eh bilib sila sa akin dahil lagi akong nakakalusot at napakasuwerte ko raw. Pero dahil sabi ko nga, malaki ang problema ko dahilsa virus na ito. Naka-quarantine ako ngayon sa bahay kasama ko ang misis ko. Nakita ko sa news na may isang condo sa BGCang may coronavirus. Dun nakatira ang babae ko at nagkita pa kami last week bago mag-lockdown. At ito matindi, isa ang mga babae ko sa positive sa coronavirus. 19-years-old siya kaya alam kong kaya niya ‘yun. Ang problema, kinakabahan ako dahil baka meron din ako. Natatakot ako makahawa dito sa bahay. Ano ba ang gagawin ko?
Donald ng Makati
Hi Donald,
Lahat ng bagay may katapusan. Sinabi mo nga hindi nahuhuli ang pambababae mo, ito na ang katapusan. Hindi lang ng pambababae mo, pati ng buhay mo! Magsabi ka na sa misis mo kasi kapag hindi ka nagsabi at nabuking ka niya, hindi ang corona ang papatay sa’yo, misis mo mismo! Sa corona baka makaligtas ka pa. Sa misis mo, siguradong patay ka. Wala pang naiimbento na vaccine sa misis na galit! Ang nakadali sa’yo hindi lang COVID-19, KABIT-19 din ang tumapos ng buhay mo!
Hi Alex,
Ang daming lumabas na balita na ang saging daw eh nakakagamot sa mga may coronavirus. Effective daw ito sa pagpatay sa coronavirus. Ang dami kong binili pero biglang binalita na hindi naman pala totoo! Nakakainis talaga ang mga fake news! Anong gagawin ko dito sa mga nasaging na nabili ko?
Sonya ng Cavite
Hi Sonya,
Buti nga ikaw, hindi mo pa nakakain ng nabalitaan mo na fake news pala. Ako, nabalitaan ko pero naubos ko na ang isang piling! Kaya ngayon, ang tigas ng tae ko! Isang linggo na dumudugo ang puwet ko! Sinusumpa ko kung sino ang nagpakalat ng fake news na ‘yan! Hayop siya!
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.