NAGBIGAY ng isang milyong pisong ayuda ang Regal Entertainment sa pamumuno ni Mother Lily Monteverde bilang tulong sa mga Pinoy na apektado ng krisis dulot ng COVID-19 at sa pinatutupad na enhanced community quarantine.
Inanunsyo ito ng kumpanya sa social media kamakailan.
Ani ng statement, “It is in our extreme consciousness to be able to help our fellow Filipinos in this time of crisis.
“Regal will donate P1-M to the Filipinos through ABS-CBN.
“Let’s all fill love for each other and positivity to overcome this crisis.”
Tigil muna sa paggawa ng pelikula ang Regal sa kasalukuyan.
POSITIBO!
May isang freelance talent ang GMA-7 na nag-positibo sa COVID-19.
Ito ay ayon sa inilabas na statement ng network kamakailan.
Bahagi ng pahayag ng network, “The talent’s last known visit to GMA was on Feb. 28 sa GMA Network Annex Building.
“The Network is in close coordination with the Department of Health and the LGU through the barangay officials to ensure that all the necessary protocols are being followed in addressing the situation.” Hindi pinangalanan ang naturang talent para din naman sa privacy nito pero ayon sa GMA, nasa hospital na ito at nagpapagamot.