AMINADO si Ai-Ai delas Alas na pagdating sa kalinisan e, medyo OA siya sa ngayon. Ito nga ay dahil ingat na ingat siya sa kumakalat na coronavirus.
Bukod sa ini-spray-an niya ng disinfectant ang lahat ng taong pumapasok sa bahay niya (!), nilagyan din ng Comedy Queen ng cover ang nakuhang quarantine pass mula sa kanilang barangay.
Caption ni Ai-Ai sa litrato ng binigay na ID: “Nilagyan ko ng plastic cover ‘yung Qpass ko para pwede ma-alcoholan anytime… praning is better than sorry na maaga ako ma-expired.
Message niya sa mga followers: “Ingat mga kababayan.. malalampasan din naten to after Holy Week may awa ang DIYOS…madidinig Niya ang mga hinaing at paghingi ng tawad at buburahin nya ang COVID.”
Tumulong din si Ai-Ai sa mga nangangailangan, huh! Nag-sponsor ito ng pagkain para sa mga frontliners galing sa kaibigan niyang may-ari ng isang ramen resto.
In any case, bahay muna ang beauty ni Ai-Ai. Ang panonood ng movies sa Netflix ang pinagkakaabalahan nito at asawang si Gerald Sibayan.
BINARA
Sinupalpal ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang mapang-insultong tweet ng isang netizen na, “Never akong manunuod ng GMA show nyo wala kayong originality.”
Tweet pa ng netizen, ginagaya lang daw ng GMA ang ABS-CBN.
Well, hindi nagpaapekto si Rocco dito.
Banat niya, “Just doing our part to provide entertainment to our loyal viewers… alam ko nanonood ka rin ng mga videos namin. Aminin. Di na kailangang mag-compare, panoorin mo lahat para may magawa ka sa bahay.”
Depensa naman ng supporters ni Rocco, fake ang account ng troll at “nanggugulo lang.”