MALAPIT sa puso ni Alden Richards ang mga frontliners na lumalaban sa COVID-19 especially ang mga health worker na buwis-buhay kontra sa mapamuksang virus.
Nurse kasi ang kanyang kuya sa isang hospital sa California, USA.
Nag-aalala si Alden para sa kapatid na patuloy ang pagbigay serbisyo sa gitna ng krisis.
Pero ‘yun nga, kailangan niyang tanggapin na wala siyang choice kung hindi irespeto ang desisyon ng kapatid.
In any case, namahagi si Alden ng food packs para sa frontliners sa Biñan, Laguna kamakailan.
TULONG
Kanya-kanyang diskarte ang Kapuso stars sa pagtulong sa banta ng COVID-19.
Si Solenn Heussaff ay nagpadala ng food packs para sa health workers.
Ang mag-asawang Juancho Trivino at Joyce Pring ay namahagi ng instant coffee packs sa mga health workers sa Parañaque at Marikina City.
Boxes of alcohol ang ipinamigay ni Heart Evangelista sa frontliners sa Sorsogon.
May fundraising campaign naman si Maine Mendoza para sa apektadong wage earners na nawalan ng trabaho sa gitna ng enhanced community quarantine.
Si Willie Revillame naman ay magdo-donate ng P1-million para sa frontliners.
Namahagi naman ang broadcast journalist na si Kara David ng adobo, libro, snacks at prutas sa mga stranded students sa isang dormitoryo sa UP.
MAGALING NA
By this time ay nakalabas na ng hospital si Christopher de Leon.
Maayos na ang kalagayan ng beteranong aktor matapos mag-positibo sa COVID-19 ilang araw na ang nakalipas.
Pero ani ng asawa niyang si Sandy Andolong, magse-self-quarantine pa rin si Boyet for 14 days.