SISING-SISI si Angel Locsin sa pag-endorso niya kay Senator Koko Pimentel na ex-husband ng pinsan niya, noong 2007 senatorial elections.
Nabatikos ang senador dahil sa hindi niya pagsunod sa quarantine protocol sa banta ng COVID-19.
Sumugod ito sa isang ospital para ihatid doon ang buntis na misis kahit posibleng positibo siya sa virus.
Dismayado si Angel sa ginawa ni Sen. Koko.
Nag-apologize ang aktres sa madlang pipol via socmed.
Tuwang tuwa ang fans ng aktres dahil sa kanyang public apology.
MAY SENTIMYENTO
Residente ng Pasig City si Angelica Panganiban at pinasalamatan niya si Mayor Vico Sotto sa mga ginagawa nito para sa mga taga-Pasig.
Ayon kay Angelica, parang nasa ibang bansa sila at sana raw ay maging inspirasyon si Mayor Vico ng ibang tao, may posisyon o wala.
May sentimiyento lang si Angelica sa pinapairal na enhanced community quarantine kontra COVID-19. Bakit daw pinapayagan ang mga dog owners na ilabas ang mga alaga nila sa kanilang village? Pero ang mga gustong mag-jogging ay pinagbabawalan.
Katuwiran ni Angelica, for health reasons ang pag-dya-jogging para mapalakas ang immune system.
Pinayuhan siya ng ilang netizens na puwede namang mag-work-out na lang muna siya sa loob ng bahay niya.
Oo nga naman!
WORRIED
Super worried si Alessandra de Rossi sa parents at siblings niya na nasa Italy. Pinakamarami doon ang kaso ng COVID-19 at marami na ang namatay.
May nabasa kaming socmed post na hindi na kayang tulungan ng mga doktor sa Italy ang COVID-19 patients na over 60 years old. Pinapabayaan na lang daw mamatay.
Grabe! Sana hindi naman ito totoo. Take care everyone!