Hi Ms. Rica,
Malapit na ako mainis sa asawa ko dahil sa quarantine na ‘to. Bigla kong naisip na hindi ko pala siya kaya makasama palagi. Pano ba ‘to?
Suffocated
Hi Suffocated,
Sobrang napapanahon ‘yang tanong mo. Sa totoo lang, madami kayong nagtatanong sa akin ng tips kung paano ba hindi mainis sa mga asawa nila sa ganitong panahon. Madami kasi sa atin ang hindi sanay na 24/7 kasama ang mga asawa. Di ba nga sabi, “love needs space to thrive” pero dahil tayo ay may kinakaharap na crisis, medyo mahirap mahanap ang space na iyon. Kaya anu-ano ba ang puwedeng gawin in the meantime?
- Learn to accept the situation. Madami kasi sa atin ang nais-stress dahil nasira ang ating mga nakasanayang routine. Kaya lahat tayo ay nag-aadjust. Kapag natanggap niyo na ito na ang inyong new normal, mas madali siya gawan ng paraan. Basically, dahil hindi pa tayo makakabalik sa dati, kailangan tanggapin muna kung ano ang kasalukuyang sitwasyon.
- Talk about the situation. Makakatulong din kung pinag-uusapan ninyo openly ang nangyayari sa atin ngayon. Ano ba ang nararamdaman ninyo? Meron ba kayong takot sa inyong supplies kasama na ang cash flow? Paano ang mga bata? Natutugunan ninyo ba ang pangangailangan nila? Kapag pinag-usapan ninyo ang mga bagay na ito at makakuha kayo ng suporta sa isa’t-isa, mas madali kayong makakahanap ng solusyon sa mga problema.
- Give each other space. Siyempre mahirap ito, pero hanggang makakaya, humanap kayo ng lugar sa inyong bahay na puwede kayo mapag-isa o mapaghiwalay sa isa’t-isa, kahit isang oras lang sa isang araw. Huwag kayo mag-usap. Magbasa kayo ng libro, magtrabaho, o kahit mag-phone nang magkahiwalay. Importante ito para hindi kayo magsawa at mainis sa isa’t-isa.
- Choose your battles. Naiinis ka na ba sa asawa mo dahil makalat siya sa bahay? O kaya maingay siyang ngumuya? Sumasakit ba ang tenga mo kapag kumakanta siya? Well, kung papansinin mo ang mga maliliit na bagay na ito ay masisiraan ka talaga ng bait sa inis. Mas maigi kung pipiliin mo ang mga bagay na mas kailangan bigyan ng pansin at palagpasin na lang ang mga bagay na alam mo namang wala kang control.
- Keep the romance alive. Hindi naman dahil magkasama kayo palagi ay hindi na puwedeng maging sweet sa isa’t-isa. Paminsan-minsan, i-try ninyo mag-landian nang parang dati. Pag-usapan ninyo ang mga magagandang memories ninyo. That way, you’ll be reminded that not everything about your partner is bad after all.
Hope that helps! Good luck and please stay safe in more ways than one.
With love and lust,
Rica
* * *
Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Sex and Relationships Therapist, Sex Educator. She opines that sexual empowerment for Filipinos is sexier than sex.
Follow her at facebook.com/TheSexyMind and facebook.com/ConservativeAko and @_ricacruz in Twitter and IG and subscribe to her podcast, bit.ly/conservativeako on Spotify. Join the Conservative Ako Community on Facebook for more advise on sex and love!