PAKIKIRAMAY po sa mga naulila ng beteranong aktor na si Menggie Cobarrubias.
Ang unang diagnosis kay Tito Menggie ay viral pneumonia. Ito ay dahil hanggang sa pumanaw siya ay hinihintay pa ng pamilya ang test result niya for COVID-19.
Nais lang naming i-share ang huling chat niya sa amin via Messenger noong Mar. 23 (Sunday), three days bago siya namatay noong Mar. 26 (Thursday).
Kwento niya sa amin: “Mell, lahat ng doktor ngayon, ayaw ng hospital confinement, unless severe cases.
“Mas maraming infection sa hospital, home care and quarantine is best option. I should know, 3 days na (akong may) lagnat now. Monday is my fourth day. ‘Pag may lagnat pa rin, baka antibiotics and maybe COVID test. ‘Yung test ay para sa more than mild cases.
“Pag below mild, hindi muna, kasi priority ‘yung moderate to severe.
“Kulang ang staff sa hospitals, bawal pumasok sa ER or any part of the building without clearance.
“Bumaba ang platelets (ko), 137, ang normal dapat ay 150. Dapat, dengue, pero negative ako sa dengue. So, balik sa viral pnuemonia.
“Pero lagnat lang ang symptoms ko. No colds, no cough, no sore throat, no muscle pain. Pero 3 days akong may lagnat, so may infection ako.
“By the way, Adventist Medical Center ito, later, sa St. Luke’s BGC, kasi doon daw ang testing. I hope this helps. Regards.”
Nakapag-reply pa kami kay Tito Menggie: “Get well soon po, may God heal your fever.”
Tugon niya: “Salamat, sana ma-correct ‘yung wrong impression ng madla. Cheers!”
Ilang araw ang nakalipas at pumutok na nga ang balitang sumakabilang buhay na si Tito Menggie.
Sa pagkakakilala namin sa kanya ay very dedicated at professional sa trabaho si Tito Menggie. Personally, he is very sweet. Mahusay makisama sa lahat ng nakakatrabaho niya sa pelikula man, TV, at teatro.
Salamat po sa inyong mga naging kontribusyon sa larangan ng sining. You will be missed.