NAGWAKAS na ang lungkot at pag-inom ng medicines ni Ellen Adarna.
Kinailangan sumailalim ni Ellen sa 14-day Kokoro mental training program sa Bali, Indonesia dahil sa depression, anxiety at post traumatic stress disorder.
“I am 101% okay now. No more meds and sadness just love and smiles,” bahagi ng post ni Ellen sa kanyang IGNTV.
Sa caption ni Ellen, tatlong taon daw siyang nasa “black hole.”
Nag-retire sa showbiz si Ellen nang magkaroon ng relasyon kay John Lloyd Cruz.
Nagkaroon sila ng anak na lalaki, si Elias Modesto.
Hiwalay na sina Lloydie at Ellen at bumalik na sa paggawa ng pelikula si JLC.
Hindi pa alam kung magbabalik-showbiz din si Ellen.
NAGPAPAGALING PA
Huling balita namin e nasa ospital pa ang aktres na si Iza Calzado.
Umamin ito na tinamaan siya ng pneumonia.
Nagpa-test na rin siya for COVID-19 para sigurado. Hinihintay pa ang resulta nito.
Ganunpaman, malakas ang loob ni Iza. Mas inisip pa nga niya ang mga frontliners na lumalaban para sugpuin ang mapamuksang virus.
Aniya, “It’s been a challenging time for me but it cannot compare to the frontliners who have cared for me and to whom I am so grateful. My heart goes out to everyone in these trying times, especially those who risk their lives every day to care for their loved ones.”
Get well soon, Iza!