ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantaypantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
***
Hi Alex,
Dahil nagkakaubusan ng alcohol sa mga tindahan, bakit hindi natin gamitin ang mga whiskey, gin, o kaya scotch. Alcohol din naman ‘yun. Ayaw ako payagan ng misis ko na mag-stock para ‘yung ipalit sa mga rubbing alcohol. Puwede bang ipalit ang mga alak sa rubbing alcohol?
Esteban ng Marikina
Hi Esteban,
Kapag manginginom ka talaga, lahat gagawin mo para makabili lang ng alak ‘no? Hindi siya puwedeng ipalit kasi iba ang alcohol sa mga alak at alcohol sa rubbing alcohol. Hindi nakakapatay ang alcohol sa alak ng mikrobyo. At ganun din naman, hindi rin puwedeng inumin ang rubbing alcohol di ba! Sige, subukan mong bumili ng alak dahil may liquor ban na lalo na sa Quezon City!
***
Hi Alex,
Bakit maraming tao ang nagreact ng sinabi ng gobyerno na pwedeng magwork from home ang mga tao habang quarantine. Ako mas gusto ko ‘yun dahil isa akong computer programmer. Mas gusto ko work from home kasi safe na sa bahay, kasama ko pa pamilya ko. Bakit maraming mga Pinoy ang kontra sa work from home? Randy ng Makati
Hi Randy,
Kasi ang trabaho mo, puwedeng work from home. Madaming trabaho ang puwedeng work from home, pero madami din ang hindi puwede. Ang mga puwede eh mga trabaho sa office, mga sales o nagbebenta ng insurance, o kaya ang ibang mga politicians puwede sa bahay na lang. Ang mga trabaho na hindi puwede eh embalsamador, hindi mo puwedeng uwi ang bangkay sa bahay mo! Waiter, hindi ka pwede magserve ng pagkain at ang customer mo eh mga kapamilya mo. Pulis, sino huhulihin mo sa loob ng bahay! Hindi din puwedeng work from home ang mga doctor at nurse, dadalhin sa bahay nila ang mga maysakit! Paano kung GRO ko, lahat ng mga kliyente mo sa bahay pupunta, dun ka magta-table! Paano kung holdaper ka, sa bahay ka manghoholdap! Maraming mga trabaho ang hindi talaga puwedeng work from home!
***
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@ yahoo.com or facebook/ twitter/instagram: alexcalleja1007.