NAKAKAPUKAW damdamin ang video tribute ng mga Kapuso at Kapamilya stars para sa frontliners na lumalaban sa COVID-19.
Kinanta nila ang inspirational song na “We Heal as One,” bagong version ng “We Win As One,” ang awiting ginamit as official theme ng 2019 SEA Games as composed by National Artist for Music Ryan Cayabyab and written by playwright and director Floy Quintos.
Kabilang sa Kapuso stars na sumali sa tribute sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Christian Bautista, Mark Bautista, Rita Daniela, Ken Chan, Pops Fernandez.
Sina Lea Salonga, Inigo Pascual, Martin Nievera, Gary Valenciano, Bamboo, Apl. de Ap, Sarah Geronimo, Ogie Alcasid, Jed Madela naman sa Kapamilya stars.
Present din sina Isay Alvarez, Menchu Lauchengco, Michael Williams, at Robert Seña.
Mapapansin sa video na nasa mga kani-kanilang bahay ang mga performers in observation of the enhanced community quarantine.
MAGKASUNOD
Magkakasunod na nag-birthday sina Rocco Nacino, Matteo Guidicelli at Kathryn Bernardo.
Mar. 21 si Rocco who turned 33 years old.
Parehong Mar. 26 naman sina Matteo at Kathryn who turned 30 and 24 years old, respectively.
Walang celebration si Rocco. Nag-ikot-ikot lang siya sa mga liblib na checkpoints at nag-pa-breakfast sa mga frontliners.
Nag-upload naman si Sarah sa IG account ng mister niyang si Matteo Guidicelli ng childhood photos nito.
Aniya sa caption, “Happy birthday to my loving and caring husband. Kamukha mo si Lucho (anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos) dito. Hehe! I love you mahal ko.”
First birthday ito ni Matteo as a married man. The best part of his life nga raw niya ito.
Samantala, abala si Kathryn sa construction ng dream house ng kanyang parents. Aniya, tatlong taon niyang pinag-ipunan ang pagpapagawa ng bahay.