SA July manganganak si Max Collins sa first baby nila ni Pancho Magno. It’s a baby boy at super excited na ang mag-asawa sa pagdating ng kanilang little angel.
Worried nga lang si Max sa kanyang panganganak dahil sa patuloy na pananalasa ng COVID-19.
Understandable naman dahil, of course, magpasahanggang ngayon, hindi natin alam kung kailan matatapos eksakto ang matinding krisis na ito.
Nagdadalawang-isip nga si Max kung sa ospital siya manganganak o sa bahay na lang. Hindi raw siya kumportable sa hospital dahil na rin sa kumakalat na pesteng virus. Isasangguni raw niya sa kanyang doctor kung ano ang pinakamainam gawin.
May exercises o workouts na ginagawa si Max bilang paghahanda sa nalalapit niyang panganganak.
TULONG
Gumawa si Judy Ann Santos ng face shields para sa frontliners. May instructions pa siya sa kanyang IG account kung paano gawin ‘yun.
Ang pamamahagi ng face shields ang paraan ni Juday para makatulong sa frontliners na itinuturing na mga bayani kontra COVID-19.
NANANAWAGAN
Ang Kapuso actor na si David Licauco ay nananawagan naman via Twitter para mangalap ng financial support para sa personal protective equipment (PPE) at ibang essential needs ng frontliners.
Meron na siyang P120,000 worth ng specialized imported PPE’s. Sa gustong mag-donate kontakin lang si David sa 0915-5191992.
NO VISITORS
No visitors allowed sa bahay nina Wendell Ramos. No communication with people from the outside habang pinapairal ang enhanced community quarantine. May sapat silang supply ng groceries, may stock ng bigas, meat, chicken, fish and drinks. Tulung-tulong ang pamilya sa paglilinis at pagsa-sanitize ng bahay nila. Ani Wendell, kapag nawala na ang COVID-19, unang gagawin nila’y magdadasal at magsisimba. Sobrang thankful at saludo si Wendell sa frontliners sa sakripisyo at dedikasyon ng mga ito sa kanilang trabaho.