NAKAUWI na sa bahay si Christopher de Leon at nagseself quarantine.
Ayaw muna niyang magpainterbyu sa mga reporter na gusto sana siyang mahingan ng pahayag kaugnay sa pinagdaanan niya as COVID-19 suvivor.
Hindi pa raw ito ang tamang panahon para magsalita siya.
Respeto na lang daw sa patuloy na naghihirap dahil sa COVID-19 at sa mga nangamatay.
SUSPECT
Doing well si Iza Calzado despite testing positive for the dreaded COVID-19, thank God.
Sana nga’y tuluy-tuloy na ang pagbuti ng kanyang kalagayan para makalabas na siya ng ospital.
Hindi niya alam kung kanino niya nakuha ang virus pero ang suspetsa ng ilan ay nahawa siya ni Sam Milby.
Magkasama sila sa isang upcoming teleserye at bago pinairal ang enhanced community quarantine ay nagtaping pa sila.
That time, kakauwi lang daw ni Sam mula sa ibang bansa (Italy kaya?)
Aware si Sam na pinagsususpetsahan siyang nahawahan niya si Iza.
Nilinaw ng representative ng aktor na negative ito for COVID-19.
Wala raw symptoms ang aktor. Nasa bahay lang daw ito at nagse-self-quarantine.
Nanghihingi si Sam ng dasal para kay Iza at sa iba pang apektado ng deadly virus.
NEGATIVE
Fake news ang lumabas na may COVID-19 ang actress director na si Gina Alajar.
Negative siya, base sa ginawang test sa kanya noong Mar. 14.
Aniya, nakaranas siya ng sintomas, kaya agad siyang nagpa-check-up siya sa isang hospital.
Thankful si Gina na negative ang resulta ng test sa kanya.
PREGGY DIN
Pregnant si Isabel Oli sa third baby nila ni John Prats.
Sa July siya manganganak. Pareho sila ni Max Collins.
Pinag-iisipan ni Max kung sa bahay na lang siya manganganak dahil sa COVID 19.
Baka naman by July ay wala na si Corona Virus? Sana!