BY RUEL MENDOZA
*
KAHIT may enhanced community quarantine, pinapanatili pa rin ni Jak Roberto na physically-fit siya.
Ito raw ay upang hindi mawala ang kanyang pamosong abs.
Aminado si Jak na may panahon na malakas siyang kumain. Lalo na ngayon na isang buwan silang walang trabaho.
Hindi raw puwedeng kain-tulog lang.
“Best cure ang pagiging fit and healthy bilang panlaban sa coronavirus disease,” depensa pa ni Jak sa social media.
Para pambalanse, nagpo-post din si Jak ng mga nakakatawang videos nila ng kanyang girlfriend na si Barbie Forteza.
Para raw ito sa mga followers nila ni Barbie na nababagot na sa kanilang mga bahay dahil sa quarantine.
Ngayon ay physically hiwalay muna sila ni Barbie dahil sa pinapatupad na social distancing.
Pero madalas pa rin sila magkita at mag-usap via Skype.