BY RUEL MENDOZA
*
BIGLANG napirmi sa bahay ang frequent traveller na si Ashley Ortega. Kasama siya sa milyon-milyong Pilipino na natengga sa bahay dahil sa enhanced community quarantine.
Para huwag mabato, nagbabalik-alindog sa pamamagitan ng pagsu-zumba ang dalaga.
Kailangan daw kasing physically fit si Ashley para lumakas lalo ang resistensya laban COVID-19.
Pero nahawa na siya sa paggawa ng TikTok videos.
Ang latest na post niya ay ang pagsayaw niya sa “Hips Don’t Lie” ni Shakira.
Pinangunahan na niya ang bashers. Aniya, “Let’s not be judgmental.”
In fairness, marami ang naaliw sa lambot ng katawan ni Ashley.
Sa mga hindi nakakaalam, isang champion ice figure skater si Ashley kaya super flexible ang katawan nito.