IBA’T-ibang paraan ng tulong ang ipinararating ng mga celebrities para sa mga kababayan na apektado ng enhanced community quarantine.
Gamit ang social media account, lumilikom sila ng donasyon upang makapagbigay pantawid gutom sa nawalan ng trabaho.
Ang iba naman ay naka-focus ang pagtulong sa mga frontliners, katulad ng paglikom ng pera na pambili ng mga gamit na kailangan nila.
Si Heart Evangelista, personal ang tulong sa mga taong nagpapahatid ng mensahe sa kanya sa Twitter.
‘Yung iba naman, health tips para maiwasan ang virus ang alay sa mga fans.
Dasal naman mula sa iba na makaiwas sa sakit ang karamihan at matapos na ang krisis.
Sa panig ni Liza Dino-Esguerra ng Film Development Council, magbibigay siya ng tulong sa entertainment press at mga workers sa showbiz industry.
Pero may kailangang gawin ang movie press bago makuha ang tulong.
Ito ay ang paglagda ng patunay na sila nga ay mga showbiz workers coming from their superiors.
Hindi naman siya masisisi dahil maraming posers at scammers ngayon sa socmed, huh!
Ang pagtulong ay kusa. Kahanga-hanga ang mga celebrities na bukas ang palad sa pangangailangan sa pahahon ng krisis!
Ngayong nasa third week na tayo ng ECQ, pray, stay at home, and be safe!