AFFECTED much si Senator Bong Revilla sa pagpanaw ng isa niyang male staff dahil sa COVID-19. Aniya, nakasama niya ito for more than 30 years simula noong nag-aartista pa lamang siya.
Masakit sa kalooban ng actor-politician na hindi man lamang niya nakita sa huling pagkakataon ang kanyang staff.
Hindi raw niya nadamayan ang pamilya nito dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.
Muling nag-self-quarantine si Bong, pati ang wife niyang si Lani Mercado.
Naka-self-quarantine din ang daddy niyang si Ramon Revilla, Sr.
NAKAUWI NA
Praise God, nakauwi na si Iza Calzado sa bahay. COVID-19 free na siya dahil negative ang second test na ginawa sa kanya. Nagpapasalamat ang aktres sa lahat ng nagdasal para malabanan niya ang deadly virus.
Pinasalamatan din niya ang health workers na nag-alaga sa kanya at patuloy na nagbubuwis-buhay para sa kaligtasan ng mga mamamayan.
Patuloy ang pagdarasal ni Iza para sa mga biktima ng Covid 19 na nawa’y gumaling na rin.
TULONG
Frontliner din si Arnold Clavio dahil isa siyang broadcast journalist na naghahatid ng mga updated news tungkol sa COVID-19.
Bilang tulong at suporta sa mga kapuwa niya frontliners, nag-donate ang kanyang Igan Foundation ng medical supplies para sa mga healthworker. Namahagi sila ng PPE (Personal Protective Equipments), N95 masks, aerosol box, helmets sa iba’t ibang hospitals sa Metro Manila.
Thankful siya sa mga co-host niya sa “Unang Hirit” na nag-donate sa kanyang foundation.
DASAL LANG
Nagse-self-isolating si Rachelle Ann Go and her husband sa bahay nila sa London. Aniya, huwag mawalan ng pag-asa dahil kasama natin si God sa laban kontra COVID-19.
Patuloy tayong magdasal at makipag-communicate sa mga mahal natin sa buhay na nasa abroad o probinsiya.