NEVER again makikipag-work si Angelica Panganiban sa ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino.
“Hindi na. I wish him well. Pero hindi na,” ang sagot niya sa tanong ng isang netizen patungkol dito.
Nagpa-“Q & A” kasi itong si Angelica sa Twitter kamakailan at isa ‘yun sa mga naitanong sa kanya.
Understandable naman kung bakit ayaw na ni Angelica makatrabahong muli si Carlo. Sobrang na-hurt siya sa pa-fall at paasang ginawa nito na ‘yun pala ay may non-showbiz girlfriend na, si Trina Candaza.
Naitanong din kay Angelica kung handa na ba siyang magmahal muli. Aniya, matagal na siyang ready at gusto na rin niyang magka-baby.
O guys, apply na!
GUSTO NG ASAWA
Gusto nang mag-asawa ni KC Concepcion. Aniya sa socmed, kapag natapos na ang enhanced community quarantine ay seseryosohin na niya ang pagpapakasal.
Sino kaya ang lucky groom?
Tiyak, unang matutuwa kapag nag-asawa si KC ay ang kanyang mama, si Sharon Cuneta. Matagal na nitong gustong magkaapo.
Solo lang si KC sa kanyang condo na aniya, malungkot kapag nag-iisa.
Para hindi siya mabagot, she keeps herself busy. Nagluluto siya, naglilinis ng bahay, nagdidilig ng halaman, nagyo-yoga, nilalaro ang dalawang pusa niyang sina Churro at Chica.
Nagpadala rin si KC ng food pack para sa mga healthworkers sa Veterans Memorial Medical Center.