ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
April 1 kahapon pero wala akong masyadong nabasang mga April Fool’s jokes or prank tulad ng mga pregnancy test na positive ang result o kaya mga pupuntang ibang bansa. Iba na talaga ang panahon. Siguro dahil sa sitwasyon kaya walang masyadong nagbiro or nag-prank. Tama ba ang observation ko Tito Alex?
Clark ng Pasig
Hi Clark,
Medyo tama. Pero alam mo naman ang mga Pinoy, alam natin na nagpipigil lang sila pero gustong-gusto nila pa rin ang magbiro at mag-prank. Pero mahirap kasi kung nagbiro ka na positive ka sa coronavirus, siguradong quarantine ka at isolated ka! Walang maniniwala sa’yo kapag binawi mo dahil may mga politiko tayo na positive pero negative daw pero parang magdududa ka na rin. Wala rin maniniwala sa’yo na aalis ka sa ibang bansa dahil may lockdown at bawal ang mag-travel. Kapag nagbiro ka na aalis ka, eh baka isipin malakas ka sa gobyerno at privileged ka. In short, ‘wag ka munang magbiro ngayon dahil mapapahamak ka! Magulo na ang mundo at punong-puno ng fake news, ‘wag ka na makisawsaw!
*
Hi Alex,
‘Yung misis kong flight attendant, mukhang bored na bored na dito sa bahay! Hindi naman siya puwedeng work from home dahil flight attendant siya at di naman puwedeng paliparin ang bahay namin na parang eroplano. Ang nakakainis, sa pagiging bored niya, para pa rin siyang flight attendant kung umasta sa bahay. Nakaupo ako, lalapit sa akin at aalukin akong snack or merienda na parang flight attendant (naka-uniform pa ng Cebupac). Lagi pa kaming nireremind kung saan ang exit. Minsan naman pupunta ako sa banyo eh hindi ako papatayuin dahil seat belt sign is on pa raw. OK lang sana sa simula pero habang tumatagal, nagiging malala na eh! Ano ba ang gagawin ko para tumigil siya?
Denver ng Marikina
Hi Denver,
‘Wag mong pigilan. Ayaw mo nun, pabor sa’yo yun! Ang gawin mo, abusuhin mo! Utusan mo ng utusan. Ipatapon mo ang basura o kaya mag-utos ka na magserve ng mga snacks. Sakyan mo na rin at mag-panggap kang pilot! Kanya-kanyang trip lang yan ngayong quarantine tayo!
*
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.