BY RUEL MENDOZA
*
NAGING emotional si Jennylyn Mercado sa isang post niya sa social media kamakailan.
Bigla raw naalala ni Jen ang kanyang yumaong ina na si Mommy Lydia Mercado dahil sa nagaganap na ECQ o enhanced community quarantine.
“Everyday that she is gone, is a day that I miss her even more. She means the world to me. I owe everything that I have now to her. She was the first one to believe in me. I am blessed to have had her in my life. I love you ma!” post ni Jen.
Hinihikayat ni Jen ang marami na maghanap ng inspirasyon para mabawasan ang lungkot sa panahon na ganito.
Isa nga sa inspirasyon ng aktres ay ang kanyang anak na si Alex Jazz.
“Sa panahon po ngayon na lahat ay walang kasiguraduhan. Na lahat tayo ay kinakabahan at natatakot. Kada araw ay maghanap tayo ng bagay that we are thankful for na magbibigay inspirasyon sa atin na malagpasan ang crisis na ito,” sey ni Jen.