ISA si Alden Richards sa mga celebrities na consistent sa pagtulong sa mga nangangailangan dahil sa krisis na dala ng COVID-19.
Binibigyan ng ayuda ni Alden Richards ang mga frontliners na matapang lumalaban sa mapamuksang virus sa pamamagitan ng pag-distribute ng pagkain sa kanila.
Si Alden ang tumatayong charity ambassador ng global food chain na kanyang ine-endorso at negosyo.
“We are helping around providing food for the needy sa buong Pilipinas po.
“Salamat po sa lahat ng tumutulong and we made sure na napupunta sa tamang tao ‘yug gamit at pagkain ‘yung binibigay na donation,” pahayag ni Alden sa interview sa kanya sa DZBB radio.
So far, nakapamigay na sila ng mahigit 100,000 meals.
Mensahe niya sa frontliners: “Mag-iingat po kayo. Pinagdarasal namin kayo. We are here for you.”
Para sa mga kababayan, ani Alden, “Kapit-kapit po tayo. Habaan po natin ang pasensiya.”
Alam ni Alden ang hirap na dinaranas ng mga naka-quarantine.
Siya man daw minsan ay nababagot pero naghahanap na lang daw siya ng mga gagawin sa loob ng bahay.
Sa ngayon daw ay madalas siya maglinis sa loob ng kanilang tahanan.
“Araw-araw po! Magigiba na nga po ang bahay namin sa kalilinis,” biro ni Alden sabay tawa.
Bahagi rin siya sa araw-araw sa padasal sa Facebook page ng “Eat Bulaga.”
“Malalagpasan din natin ito Kaya natin ito,” giit pa ng tinaguriang Asia’s Multimedia Artist.