MARAMI ang natuwa kay KC Concepcion. Consistent ito sa pagtulong sa mga apektado ng enhanced community quarantine.
Ito nga at matapos mamahagi ng food packs sa mga healthworkers sa Veterans Memorial Medical Center at Perpetual Help Medical Center sa Las Piñas, nag-donate naman si KC ng 500 kilos na bigas for those in need.
Ani ng dalaga sa latest post niya sa social media, “Walang Pilipinong dapat magutom, lalong lalo na sa mga panahong ito. Consistent sana ang food distribution natin sa mga napili nating lugar, hindi lang 1 time, dahil syempre mauubos at mauubos din yan. Tulungan tayo, Pilipinas.”
By the way, KC is celebrating her 35th birthday today so, happy birthday KC!
SINAGOT
Sa socmed post ni Frankie Pangilinan, sinabi nito na sasagutin niya, inang si Sharon Cuenta at amang si Kiko Pangilinan, ang bail ng 21 inarestong rallyista na inakusahang lumabag sa pinapairal na enhanced community quarantine.
Taga- Purok San Roque, Bgy. Bagong Pag-asa, QC ang mga nag-protesta. Wala na raw silang makain at walang natatanggap na ayuda, kaya lumabas sila sa kanilang mga bahay.
P15,000 each ang piyansa ng mga sangkot sa kaguluhan at ayon kay Frankie, sagot niya ang isa sa mga rallyista at ‘yung remaining 20 naman ay sagot ng kanyang parents.
SUPORTADO
Suportado ng Yes! Pinoy Foundation ni Dingdong Dantes ang #Sana OL Campaign of Jobstreet and Workabroad PH. Nag-o-offer ito ng on-line jobs para mabigyan ng livelihood opportunities ang mga kababayan natin.
Para ito sa freelancers at sa mga naghahanap ng alternative work. May home based jobs na “no experience needed.”