MAGANDA ang kinalabasan ng panawagan ni Manila Mayor Isko Moreno online sa mga mambabatas.
Mungkahi niya, i-donate daw ng mga ito ang kanilang mga suweldo sa ngangailangan dahil sa salot na COVID-19.
Mabilis na tumugon dito ang ilan. Nguni’t ang iba ay dedma lang. May ilan pa na tila napikon sa hirit niya.
Ani ng current Senate President na si Tito Sotto, “Our duty as a lawmakers is to promptly pass the enabling law so the exec dept can use gov’t funds to respond during this health crisis. We did so in 18 hrs. It’s not our mandate to repack rice and sardines with a complete PR team around us. Some of us do, WITHOUT the PR team!”
Ang sakit ng pasaring, huh!
Anyway, nasaktan din si Bong Revilla sa tinuran ni Isko. Aniya, tumutulong naman na daw sila.
“Mayor Isko, huwag naman. Huwag ganoon, tulungan tayo…
“Alam mo rin naman na lahat kami nagtatrabaho. Hindi kami nagpapabaya,” aniya pa.
Sumawsaw pa ang aktor na si Edu Manzano sa Twitter: “Why not give up the pork barrel allocations?”
Ito ay matapos magpahayag ng pagsangayon sa mungkahi ni Isko si Speaker Allan Peter Cayetano.
Hmmm…
NAG-SORRY
Lumutang na si Iza Calzado sa social media.
Punumpuno ng mga ngiti ang mga labi nito sa kaniyang latest post.
Ayon sa aktres, two weeks siyang nakipaglaban sa COVID-19, pneumonia at bacteria na Acinetobacter Baumannii.
“I am alive and for that I am truly grateful,” bahagi ng caption ni Iza.
Binalikan din ni Iza ang kontrobersyal niyang pagsangayon sa hirit ni Lea Salonga na ang COVID-19 ay paraan daw para i-“reset” ang mundo.
Ani ng ilan, masakit ito para sa mga namatayan.
Pagbibigay-linaw ni Iza, ang pag-sangayon niya sa post ni Lea “was misconstrued.”
“I understand how and why that happened and I am sorry if anyone was offended and I felt bad about it.
“Please know that I would never intentionally say anything to hurt others nor celebrate anyone else’s suffering.
“I am a hopeful person and always try to see the silver lining in every dark cloud.
“I am sad you missed my heart but I also understand your sentiments.”
Pinasalamatan ni Iza ang mga doctor at nurses sa Asian Hospital at ang number one nurse niya – ang asawang si Ben (Wintle).
“I could never have done this without you, my Love. We did it, by God’s grace, we made it,” diin pa ng aktres.