BY DELIA CUARESMA
*
TULUYAN na ngang inextend ng pangulo ang enhanced community quarantine sa Luzon hanggang April 30.
Taliwas sa inaasahan, marami ang sumangayon dito, kabilang na ang ilang kilalang showbiz personalities katulad nina Lorna Tolentino, Paolo Contis, Rocco Nacino, at Enchong Dee.
Ayon kay Lorna, dapat lang na ipagpatuloy ang lockdown dahil hindi pa rin nababawasan ang bilang ng mga COVID-19 patients bagkus dumarami pa.
“Sa aking palagay ay mas makatutulong ang pagbaba ng bilang ng patients ng COVID-19 kung mananatili pa rin tayo sa bahay, kahit additional two weeks or more,” sey pa niya.
Para naman kay Paolo Contis, masasayang lang daw ang ilang araw na pamamalagi ng mga tao sa kani-kanilang tahanan kung biglaang tatapusin ito.
“Feeling ko, mag-start pa lang to get better ang situation, e. Masasayang lang if tapusin ang quarantine. Ayoko sana, but I think it’s needed,” diin niya.
Ani naman ni Rocco, “Ako, in favor ako. In my opinion, it’s like treating an infection.
“Let’s say, naka-antibiotic medicine kayo for seven days and on the second day, wala na yung sakit nyo, but it doesn’t necessarily mean na free from infection na kayo. Kaya seven days ang antibiotics, to completely remove any infection sa katawan mo, just to be sure. I think the same applies to our current situation. As much as I want to go back to my normal routine, mas kailangan na safe and virus-free muna ang bansa natin bago tayo mag-resume ng normal life natin. I think it will be a wise decision to do that para hindi na tayo bumalik sa sitwasyon na ito.”
Si Enchong naman sabi, “Yes, I’m all for it. Until the government announces that COVID-19 is already under control, that’s the time we can probably but slowly loosen the community quarantine.”