AYAW raw ni Ivana Alawi kay Gerald Anderson. Kahit ligawan pa daw siya nito. Naku, huh! E, may balak ba naman si Gerald?
Anyway, mas type daw ni Ivana si RK Bagatsing na aniya, okay lang kung liligawan siya nito. Kaya lang, may non-showbiz girlfriend na si RK. Right?
Hot naman ang dating ni Coco Martin kay Ivana na aniya crush niya.
Childhood crush naman ni Ivana si Edu Manzano. Maliit pa raw siya e, kilig-kiligan na siya sa ageless actor.
Ayon kay Ivana, may Kapamilya actor na nanliligaw sa kanya ngayon. She begged-off na pangalanan ito dahil baka raw maudlot.
FAKE ACCOUNT
As of this writing, forty-four isolation tents na ang naipamahagi ni Angel Locsin sa iba’t ibang public and private hospitals sa Metro Manila at ilang bayan sa Luzon.
Katulong ni Angel ang fiance’ niyang si Neil Arce sa adhikain.
Patuloy pa rin ang fund drive ng kanilang #UniTENTweStand PH para sa frontliners na buwisbuhay na lumalaban sa pagpuksa ng COVID-19.
Itinanggi ni Angel na namimigay siya ng pera sa mga apektado ng enhanced community quarantine. Fake daw ang balita na ito.
NAUDLOT
Sa Australia sana magho-Holy Week si Jasmine Curtis-Smith. Dahil sa enhanced community quarantine ay naudlot ang biyahe niya. ‘Andu’n pa rin Australia ang kapatid niyang si Anne Curtis at anak na si baby Dahlia Amelie. Andun din ang mommy nila at dalawa pang kapatid.
A day after nanganak si Anne noong March 2 ay nakapunta pa si Jasmine sa Australia. Saglit lang siya roon at balik-Pilipinas agad siya.
Hindi rin siya makapunta sa Pampanga kung saan nakatira ang kanyang daddy kasama ang bagong pamilya nito. Mag-isa lang si Jasmine sa kanyang condo at para hindi raw siya ma-bore, panay ang linis niya.
Nagwo-workout din si Jasmine at may on-line live session pa sila ng co-stars niya sa “Descendants of the Sun.”