FRONTLINERS sa mga provincial hospitals ang tinutulungan ni Megan Young.
May fund-raising drive ang former Miss World 2013 at una na niyang natulungan ang mga hospital sa Olongapo at Bataan.
Next raw sa agenda niya ang frontliners sa Limay, Bataan RHU, Mariveles Mental Health Center, Lourdes Barretto San Marcelino Medical Center at iba pang provincial hospitals.
Nakaka-good vibes din ang vlog ni Megan at asawang si Mikael Daez sa gitna ng pinapairal na Enhanced Community Quarantine. Ipinakita nila kung paano nila i-groom ang pet puppy nilang si Soba.
LIBRENG SAKAY
May libreng sakay para sa medical frontliners ng Philippine General Hospital ang programang “Ilaban Natin ‘Yan,” hosted by Vicky Morales.
Tatlong magkakasunod na Lunes na hatid-sundo ang frontliners gamit ang modern jeep na “Palaban Express.”
Ito ‘yung umiikot sa iba’t ibang barangay na nagsisilbing sumbungan ng mga nagrereklamo kay Vicky.
Ang unang service na naghahatid-sundo ay mula sa Star Mall, Alabang at ang ikalawa ay mula sa SM Fairview.
AUDITION
Kahit may Enhanced Community Quarantine, tuloy pa rin ang on-line audition ng “Centerstage” para sa mga batang edad 7 hanggang 12.
Ipadala ang short video na may introduction, kasama ang pangalan, age, place of residence. Samahan ng audition song acapella (walang music instrument o tugtog) na hindi lalampas sa 2 minutes.
Ipadala ito sa https://www. facebook.com/GMACenterstage.
WALA PA
Good news naman mula kay Richard Gomez! Ayon sa Ormoc City mayor, wala pang positive sa COVID-19 sa bayan nila.
Pero pinapairal na niya ang Enhanced Community Quarantine doon just to be sure.
Handa na rin ang actor-politician sa mga gagawing ayuda. Tig-isang sakong bigas sa bawat tahanan. May isolation area rin sila for the sick. Ayos!