Hi Ms. Rica,
Dati po masarap ang sex life namin ng girlfriend ko. Pero dahil po sa ECQ recently, hindi na po siya masaya. Hindi ko na rin po siya nae-enjoy. Ano po ba ang puwede kong gawin?
Thank you,
Unsatisfied
Hi Unsatisfied,
I’m sorry to know na nagkakaproblema ka with your sex life with your girlfriend. Common problem ang pinagdadaanan mo lalo na sa panahon ngayon. Madalas na nakakaranas ang couples ng masarap na sex at the start, kapag mataas pa ang libido niyo para sa isa’t-isa. Pero as time passes, it’s normal to have not-so-great sexual encounters with the girlfriend. Lalo na kung nagiging parang routine na lang ito. And of course, normal lang din na ma-disappoint dahil dito.
Gradual ba o dahan-dahan ang naging change o biglaan lang ito nagbago? Kung may nararamdaman kang sakit physically kaya hindi na kasing sarap noong dati ang iyong sexy time, baka kailangan ka munang magpatingin sa doctor to rule out any kind of infection.
Kung hindi infection ang reason, madami pang ibang factors ang kailangan mo tignan tulad ng medication o kaya being stressed or depressed. Also, ang sitwasyon natin ngayon ay nakakadagdag pa sa pagkawala ng libido. Ang anxiety na pinagdadaanan natin ay normal na reaction sa ganitong sitwasyon, kaya puwedeng hindi natin ginagawang priority ang ating kalibugan.
Pagdating naman sa mga couples, madalas na ang pagkakaroon ng problema sa sex ay symptom lang ng mas malaking problema sa inyong relasyon. Nagsasawa na ba kayo dahil palagi kayong magkasama? Why don’t you give each other some space, kahit sa bahay lang? Nag-away ba kayo recently? Ano ba ang madalas niyong pinagtatalunan? Bakit hindi niyo ito pag-usapan? Bukod sa masarap na sex, mayroon ka pa bang hindi nakukuha sa kaniya na gusto mo?
Baka kailangan mo isipin maigi kung ano na ang nangyayari sa inyong relationship para ito ay inyong mapag-usapan. Either way, ang importante ay maging honest kayo sa isa’t-isa. Alam kong hindi madali ang ganitong klaseng pag-uusap, pero kung gusto niyong magkaroon ng masarap na sex life at maging masaya together, kinakailangan talagang matuto kayong maging bukas sa isa’t-isa. You have to be honest and open to one another, lalo na ngayong panahon na ito. Good luck!
With love and lust,
Rica
* * *
Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Sex and Relationships Therapist, Sex Educator. She opines that sexual empowerment for Filipinos is sexier than sex.
Follow her at facebook.com/TheSexyMind and facebook.com/ConservativeAko and @_ricacruz in Twitter and IG and subscribe to her podcast, bit.ly/conservativeako on Spotify. Join the Conservative Ako Community on Facebook for more advise on sex and love!